Home NATIONWIDE DPWH projects ng mga solon hinahanap ni Tiangco sa website ng Kamara

DPWH projects ng mga solon hinahanap ni Tiangco sa website ng Kamara

298
0

MANILA, Philippines – Kinalampag muli ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang House Committee on Appropriations kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa sa Kamara ang alokasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bawat congressional district maging ang mga proyektong inendorso ng mga kinatawan ng Partylists.

“No’ng October 13, sabi ko nga, I requested na i-publish sa website ng House of Representatives ‘yong budget per congressional district at budget per party-list, at kung saan ito napunta. Pero hanggang ngayon, wala pa ring nakapost. Bakit ba ayaw i-post ito? Ano ba ‘yong tinatago? Kung hindi nila pinost ‘to, hindi totoo ‘yong sinasabing transparency,” giit ni Tiangco.

Aniya, kaniya ng sinulatan si House Appropriations Chair at Nueva Ecija Rep. Mica Suansing ukol sa kung ano ang updates sa nabanggit na kahilingan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang mambabatas.

“On October 20, sumulat ako kay Chairwoman Cong. Mika Suansing, pero hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na update. Section 5(a) of Republic Act 6713, or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, states that all public officials shall ‘act promptly on letters and requests. All public officials and employees shall, within fifteen (15) working days from receipt thereof, respond to letters, telegrams, or other means of communication sent by the public. The reply must contain the action taken on the request,” ayon kay Tiangco.

Labis na nagtataka at nababahala si Tiangco na mahigit ng 15 araw ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naka-post sa website ng Kamara ang mga proyektong inindorso ng mga kongresista sa mga district.

“Lampas na yung 15 days at dapat may sagot na siya sa akin. But as of now, wala pa ring sagot at wala pa ring publication sa website ng Congress kung ano ‘yong budget per district at party-list.”

Mahalaga ayon kay Tiangco na mabasa ito ng publiko upang masiguro kung aling proyekto ang inindorso ng mga mambabatas na kagaya aniya ng Navotas na may dalawang proyekto na tig-P 3 milyon ang halaga ngunit hindi naman niya ito hiningi maging ng district engineer ng Navotas.

“May dalawang projects sa Navotas na tig-₱3 million na hindi naman ni-request ng LGU, barangay, city health, o DPWH district engineer. Naging transparent daw sa proseso ng budget, pero sa end result, ayaw i-publish sa website. Ang tanong, ano bang tinatago dito at ayaw ipakita ‘yon?” dagdag pa ng kongresista. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here