Home OPINION DRAMA SERYE

DRAMA SERYE

202
0

IBINASURA rin ng mga tolonges, este, ng mga kongresista ang dalawang reklamong Impeachment laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Gaya ng inaasahan…tapos agad ang DRAMA SERYE.

@@

Kunwari ay tinanggap ng mga mambabatas ang kasong Impeachment laban kay PBBM.

Konting balitaktakan, konting kontrahan, konting bangayan pero hayun…TULOY DIN SA WALA.

@@

Eh bakit ba naman natin inaasahan na MABABASURA lang ang dalawang Impeachment case laban kay PBBM sa Kamara?

Ang unang inihaing reklamo ay PAKANA ng KUWADRA mismo ng Pangulo.

Ang naghain kasi ay “abogado” mismo ni First Lady Liza Araneta Marcos.

Ibig sabihin, ito ay sadyang MAHINA na ang layon lang ay unahan ang iba pang mas MALAKAS na Impeachment para umiral ang “1 year ban rule”

Ang ikalawa ay isinampa ng MAKABAYAN BLOC na sinasabing…kasangkot din sa DRAMA.

@@

May nangyari ring DRAMA kamakalawa sa Senado. Ito ay ang tangkang pagpapalit sa liderato ni “Tito Sen” o Sen. Tito Sotto bilang Senate President.

Kunwari e ikukudeta ng mga senador si Sotto pero yun nga…KUNWARI lang talaga.

Hayst, sayang!

@@

Ang drama…si Sen.Loren Legarda ang tinangkang ipapalit kay Tito Sen.

Pero tumanggi raw si Legarda…sa KUNWARING KUDETA.

@@

May KUNWARI rin na ilalabas na committee report ang blue ribbon sa imbestigasyon nito sa flood control scandal at ilang senador ang sabit sa mga makakasuhan ng plunder.

Ahhh…kaya pala naging KUNWARI ang kudeta.

@@

Tatlong senador ang irerekomenda ng blue ribbon sa sasampahan ng plunder at sila ay sina Chiz Escudero, Joel Villanueva at Jinggoy Estrada na pawang kasapi ng minority bloc.

Inilabas ang ugong na sila ay kakasuhan sa flood control scandal sa gitna ng balitang sisipain si Tito Sen.

Hayun…na EAT BULAGA ang MADLA.

Joke lang pala.

@@

Ayon sa maraming tsismosa, este, miron sa Senado, ang Blue Ribbon Committee report ni Sen. Ping Lacson ay isa lamang PALUNDAG sa mga gustong ikudeta si Sotto at “scapegoat” na rin para protektahan ang isang MALAKING PANGALAN na sangkot sa flood control scandal.

Teka, hindi ko sinasabing si Martin Romualdez ‘yun ah.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here