Home METRO Drayber, 3 sugatan sa salpok sa ginagawang gusali

Drayber, 3 sugatan sa salpok sa ginagawang gusali

75
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang truck driver habang tatlo naman ang nasugatan matapos sumalpok ang isang refrigerated truck sa isang gusaling ginagawa pa lamang sa Barangay San Francisco, Tagkawayan nitong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang nasawing driver na si Alan, residente ng Balatan.

Sa imbestigasyon, lumabas na patungong Maynila ang truck na may kargang 15 tonelada ng assorted grocery products nang mawalan umano ng kontrol ang driver. Bumangga muna ang sasakyan sa bakod ng isang paaralan bago tuluyang sumalpok sa gusaling ginagawa pa lamang.

Sugatan naman sina Doods, 54-anyos na truck helper, at mga laborer na sina June, 22, at Nilo, 51. Minor injuries lamang umano ang tinamo ng mga ito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here