Home METRO Drayber inireklamo ng panggagahasa ng pasahero, arestado

Drayber inireklamo ng panggagahasa ng pasahero, arestado

CEBU – KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang driver ng pampasaherong jeep matapos arestuhin ng mga awtoridad sa reklamong panggagahasa, iniulat kahapon, Pebrero 9 sa bayan ng Liloan.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Liloan Municipal Police Station ang suspek na itinago sa pangalan Pilmar, 37-anyos, may-asawa at residente ng Barangay Jubay, Liloan.

Ayon kay P/Maj. Mawi C Arcilla, hepe ng Liloan MPS, nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktima na itinago sa pangalan, Dina, 33, para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Kwento ni Dina, naganap ang insidente noong Pebrero 6, 2025, bandang 12:20 ng hatinggabi sa Sitio Tabay Barangay Tayud, ng nasabing bayan.

Aniya, sumakay siya harapan ng pampasadang jeep ng suspek patungong Liloan subalit pagdating sa kanto ng naturang lugar bigla na lamang itong huminto.

Dagdag pa niya, tinutukan siya ng patalim ng suspek saka hinubaran at isinakatuparan nito ang makamundong pagnanasa.

Hindi pa nakuntento ang suspek at hinalungkat ang mga dalang gamit saka pinababa ng jeep.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ng nahuli ang suspek sa bahay nito at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. Mary Anne Sapico