Home NATIONWIDE Drayber na nanakot sa traffic enforcer, pinatawag ng LTO

Drayber na nanakot sa traffic enforcer, pinatawag ng LTO

296
0

MANILA, Philippines – Naglabas na ng show-cause order ang Land Transportation Office (LTO) sa isang driver na nagtangka umanong takutin ang isang traffic enforcer sa pamamagitan ng pag-gamit ng pangalan sa isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Mandaluyong City.

Ayon sa imbestigasyon nito, sinabi ng LTO na ang driver ng van ay na-flag down ng enforcer matapos umanong subukan nitong sumingit sa linya malapit sa La Salle Green Hills noong Agosto 8.

“Once we establish the identity of this driver and find out that she has a driver’s license, it will be subject to a 90-day suspension. If she doesn’t have a driver’s license or if the license has expired, that will be a bigger problem,” ani LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II.

Sinabi din ng LTO na pag-aari ng kumpanya ang van na sangkot sa insidente.

Ang show-cause order ay nangangailangan ng kinatawan ng kumpanya, kasama ang driver, na humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO.

Idinagdag ng ahensya na dapat ipaliwanag ng kumpanya kung bakit hindi ito dapat managot sa pagpayag sa isang “discourteous” na tao na magmaneho ng sasakyan nito.

Samantala, ang driver ay nahaharap sa mga kasong obstructing traffic at pagiging improper person to operate a motor vehicle. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here