Home NATIONWIDE Drayber ng pickup na humarang sa bus sa expressway ipinatawag ng LTO

Drayber ng pickup na humarang sa bus sa expressway ipinatawag ng LTO

309
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang drayber ng isang pickup na mapanganib na humarang sa isang bus na bumabagtas sa North Luzon Expressway (NLEx).

Sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes, Nobyembre 21, tinukoy ng ahensya ang viral video na nagpapakita ng isang Toyota Hilux na nagsagawa ng “dangerous maneuvers” sa kalsada sa pagharang sa daanan ng bus at huminto pa sa kalagitnaan ng highway habang umuulan at madulas ang kalsada.

“This kind of behavior on the road is unacceptable because the safety of road users depends on it,” saad sa pahayag ni acting DOTr Secretary Giovanni Lopez.

“There are lives that will be affected due to the irresponsible driving of other motorists, like the one in the video. One must always be alert, careful, and enforce discipline on the road,” dagdag pa niya.

Batay sa subpoena na inisyu ng LTO na may petsang Nobyembre 20, inatasan ang drayber na humarap sa opisina nito sa East Avenue, Quezon City, sa Lunes, Nobyembre 24, alas-10 ng umaga.

Inatasan din ang drayber na ipasa ang lahat ng dokumento na may kaugnayan sa kanyang Toyota Hilux kasama ang pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here