Home METRO Drayber ng truck patay sa pagsalpok sa poste

Drayber ng truck patay sa pagsalpok sa poste

MANILA, Philippines – Patay ang drayber ng isang 14-wheeler truck matapos na masangkot sa aksidente sa kalsada sa national highway sa Brgy. Poblacion, Barili, southwestern Cebu nitong Biyernes, Setyembre 27.

Sa ulat ay bumangga sa poste ang trak na nasa gilid ng kalsada matapos mawalan ng preno ang drayber at mawalan din ng kontrol sa minamaneho.

Kinilala ang nasawing drayber na si Rowel Merasol, at residente ng Barangay Ocaña, Carcar City, Cebu.

Sa ulat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang 14-wheeler truck dala ang mga bakal para sa construction materials.

Kasama ng drayber ang pahinante na nasa katabi nito.

Bumibiyahe ang trak mula Carcar City patungo sa warehouse sa Dumanjug, Cebu.

Napaulat na nawalan ng kontrol sa preno ang drayber nang makarating sa Brgy. Poblacion.

Dahil dito ay nawalan na rin ng kontrol sa sasakyan ang drayber dahilan para bumangga ito sa poste ng kuryente.

Tinamaan din nito ang isang dump truck at motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente. RNT/JGC