Home NATIONWIDE Drayber utas sa banggaan ng Victory Liner bus vs Hilux

Drayber utas sa banggaan ng Victory Liner bus vs Hilux

315
0

NUEVA VIZCAYA — Sinalubong na ni kamatayan ang drayber ng isang Hilux FX makaraang makabanggaan nito ang isang Victory Liner bus sa pagitan ng KM Posts 246 at 247 sa kahabaan ng National Highway, Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktimang si Amor Ocampo Caro Jr., 34-anyos at residente ng Purok 2, Aliaga, Bambang, Nueva Vizcaya — drayber ng Hilux FX na may plakang NIL 1778.

Habang ang drayber na suspek ay si alyas Jecto, 42-anyos, residente ng Alabug, Tuao, Cagayan — drayber ng Victory Liner bus na may plakang NAJ 9629.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, parehong binabaybay ng Hilux FX at pampasaherong bus ang nabanggit na daan sa magkasalungat na direksiyon, nang mag-overtake umano ang bus sa isa pang sasakyan na naging dahilan upang masakop nito ang kabilang linya ng kalsada ng paparating na Hilux FX.

Dahil dito, nagbanggaan o nagsalpukan ang bus at ang Hilux FX na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng drayber ng Hilux FX.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng pulisya para tumulong sa pagkontrol ng trapiko at magsagawa ng imbestigasyon.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang drayber ng pampasaherong bus. Rey Velasco

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here