Home NATIONWIDE Driver ng NBI, inaresto kasunod ng gulo sa Senado – PNP

Driver ng NBI, inaresto kasunod ng gulo sa Senado – PNP

72
0

MANILA, Philippines – Isang driver ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto matapos ang insidente ng pagpapaputok sa loob ng Senado sa Pasay City noong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Kinilala ang suspek sa alyas na “Mel Oragon,” 44-anyos na Filipino at empleyado bilang driver ng NBI, batay sa ulat ng Southern Police District.

Sa paunang imbestigasyon, pinaputukan umano ng suspek ang loob ng Senado bandang 7:50 p.m. sa GSIS Compound, na nagdulot ng panic sa mga tao sa lugar.

Ayon sa ulat, armado ang suspek ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril at kalaunan ay nasupil at naaresto ng Senate Security Detachment.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, pagkalap ng ebidensya, at pagkuha ng salaysay upang matukoy ang motibo ng insidente.

Inihahanda na rin ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, alarms and scandals, grave threats, direct assault, at paglabag sa Senate security rules.

Ayon sa pulisya, sumailalim din sa paraffin test ang suspek sa loob ng Senado.

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na may mga pangalang binanggit ang suspek sa interogasyon ngunit patuloy pa itong beripikasyon.

Kinumpirma rin na isang indibidwal ang nasa kustodiya ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Pasay City Police.

Nilinaw ng mga awtoridad na ang mga tauhan ng OSAA ay gumanti lamang ng putok, at wala pang naitatalang nasawi o nasaktan sa insidente.

Nauna nang nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kalmadong pag-iisip at sinabing walang ahensya ng gobyerno ang sangkot sa pagpapaputok, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang alamin kung ito ba ay hiwalay na insidente o bahagi ng mas malawak na destabilization attempt. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here