Home METRO Driver patay, 3 sugatan sa van na nasyut sa bangin sa Benguet

Driver patay, 3 sugatan sa van na nasyut sa bangin sa Benguet

1
0

BENGUET — Patay ang isang 62-anyos na driver habang tatlong pasahero ang nasugatan matapos mahulog sa tinatayang 10 metrong bangin ang sinasakyan nilang van sa Atok, Benguet nitong Miyerkules, Setyembre 23.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bumibiyahe patungong La Trinidad ang puting van nang umano’y magkamali ng tantiya ang driver sa isang kurbada sa Km. 38, Barangay Abiang.

Bumangga umano ang sasakyan sa steel barrier sa gilid ng highway bago tuluyang nahulog sa bangin.

Idineklarang patay ng doktor ang driver, na residente ng Barangay Ambassador sa Tublay, Benguet.

Nasugatan naman ang tatlong pasahero—isang 40-anyos na negosyante, isang 22-anyos na lalaki mula Tubao, La Union, at isang menor de edad. Dinala sila sa Atok District Hospital para sa gamutan.

Hindi muna inilabas ng pulisya ang mga pangalan ng mga biktima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here