Home METRO Drone ipinagbawal sa Clark, Subic sa ASEAN Summit

Drone ipinagbawal sa Clark, Subic sa ASEAN Summit

1
0

PAMPANGA, Philippines – Ipinagbawal ng pulisya sa Central Luzon ang pagpapalipad ng mga drone sa Clark Freeport Zone sa Pampanga at Subic Bay Freeport Zone sa panahon ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit mula Nobyembre 15 hanggang 18.

Saklaw ng pagbabawal ang recreational, commercial at iba pang hindi awtorisadong pagpapalipad ng drone sa nasabing panahon.

Ayon kay Police Brig. Gen. Jess Mendez, direktor ng Police Regional Office 3 at commander ng Special Task Group Central Luzon para sa 2026 ASEAN Summit, maaaring magdulot ng panganib sa seguridad at makaapekto sa paghahanda para sa summit ang kahit isang hindi awtorisadong drone flight.

“We urge all drone operators and hobbyists to strictly observe the no-fly restriction. Even a single unauthorized drone flight may pose a security risk and disrupt our preparations for the ASEAN Summit,” ani Mendez.

Pormal na magsisimula ang summit sa Nobyembre 16 at magtatapos sa Nobyembre 18.

Itinalaga ang Clark at Subic bilang alternatibong entry points at support hubs para sa summit at mga kaugnay na pagpupulong.

Sinabi ni Mendez na mahigpit na makikipag-ugnayan ang pulisya sa mga awtoridad sa aviation at iba pang kinauukulang ahensiya upang subaybayan ang aktibidad ng mga drone at umaksyon laban sa mga lalabag alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here