Home METRO Drug-cleared status ng 20 Barangay sa Baguio, binawi

Drug-cleared status ng 20 Barangay sa Baguio, binawi

3
0

BAGUIO, Philippines – Binawi ang drug-cleared status ng 20 barangay sa Baguio City matapos matuklasang may mga aktibong tulak ng ilegal na droga sa mga ito, ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ayon kay Magalong, ang desisyon ay ginawa ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program. Kabilang sa mga barangay na nawalan ng drug-cleared status ang Asin Road, Baguio Gold Compound, City Camp Proper, Country Club Village, Dominican Hill-Mirador, Irisan, Loakan Proper, Pacdal, at iba pa.

Samantala, iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Baguio na sa 58 barangay na nag-apply upang mapanatili ang kanilang drug-cleared status:

-20 barangay ang nakapanatili ng kanilang status;

220 barangay ang bagong idineklarang drug-cleared;

-18 aplikasyon ang ipinagpaliban ng 60 araw para sa karagdagang beripikasyon ng PDEA at pulisya.

Kinumpirma rin ng PDEA na may mga vape na may halong marijuana na naibebenta sa mga paaralan sa lungsod matapos masamsam ang dalawang vape device at isang lighter na isinumite ng isang paaralan sa mga awtoridad.

Lumabas sa pagsusuri ng PDEA-Cordillera laboratory na positibo ang mga vape sa tetrahydrocannabinol (THC), ang pangunahing psychoactive component ng cannabis.

Dahil dito, pinaigting ng mga awtoridad ang kampanya laban sa ilegal na droga sa mga paaralan, kabilang ang pagprotekta sa mga estudyante at paghuli sa mga nagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here