Home METRO Drug Queen, tropa timbog sa P2.7M tobats sa Bulacan buy-bust

Drug Queen, tropa timbog sa P2.7M tobats sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang binansagang “Drug Queen” kabilang ang kanyang kasama matapos mahulihan ng P2,733,600.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ang suspek na si Lalaine Dionisio alyas “Drug Queen”, 30, dalaga at Cherry Pie Ibo, dalaga, 29, kapwa residente ng Sitio Sampalukan, Brgy. Calvario.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, ikinasa ang operasyon ng Meycauayan police station katuwang ang PDEG SOU3 bandang 1:45 ng madaling araw nitong Marso 25 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report, nabilhan umano ng isang medium size transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu ang target na si Drug Queen ng poseur buyer kapalit ang totoong P1,000 bill na pinaibabaw sa bundle ng pekeng pera.

Dahil dito, agad siyang inaresto at nang kapkapan ay nakunan pa ito ng tatlong medium size plastic sachets habang nahulihan din ng dalawang small sachets na kapwa pinaghihinalaang shabu si Cherry kaya sila inaresto ng mga awtoridad sa lugar.

Narekober sa operasyon ang tinatayang 402 gramo na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang P2,733,600.00.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous article3 sangkot sa iligal na droga, timbog sa P265K shabu sa Caloocan
Next articleMisis kinatay ni mister