Home METRO 3 sangkot sa iligal na droga, timbog sa P265K shabu sa Caloocan

3 sangkot sa iligal na droga, timbog sa P265K shabu sa Caloocan

MANILA, Philippines – SHOOT sa selda ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.

Base kay Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagkasa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas “Andy”, 42 ng Brgy. 160 at alyas “Michael”, 41 ng Brgy. 115 matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y iligal na aktibidades ng mga suspek.

Sa puntong iyon, nang tanggapin ng mga suspek ang isang P500 marked money na may kasamang anim pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na undercover na buyer ng shabu agad na sinunggaban ng mga operatiba ang mga huli dakong alas-2:40 ng madaling araw sa Blk 3, Libis Baesa, Brgy. 160.

Narekober sa mga suspek ang nasa 14 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P95,200 at buy bust money.

Alas-11:30 ng gabi nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 11 ng matsempuhan sa kahabaan ng Robes-1, Area 1, Brgy. 175, Camarin ang dalawang lalaki na nag-aabutan ng droga.

Nang mapansin ng mga suspek ang mga pulis agad na tumakbo ang mga ito subalit hinabol ito ng mga pulis hanggang sa makorner at madakip si alyas “Dodong”.

Nakumpiska sa pangangalaga ni Dodong ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 25.3 grams ng hinihinalang shabu na may halagang 170,204 habang nakatakas naman ang kanyang katransaksyon na nag-aabot sa kanya ng iligal droga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez

Previous articleMeralco nangako ng uninterrupted power service ngayong Semana Santa
Next articleDrug Queen, tropa timbog sa P2.7M tobats sa Bulacan buy-bust