Home NATIONWIDE Meralco nangako ng uninterrupted power service ngayong Semana Santa

Meralco nangako ng uninterrupted power service ngayong Semana Santa

MANILA, Philippines – Siniguro ng Manila Electric Co. (Meralco) nitong Lunes, Marso 25 ang mga customer nito ng uninterrupted electricity service ngayong Semana Santa.

Anang Meralco, bagamat sarado ang business centers nito mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria, patuloy namang sisiguruhin ng mga tauhan nito na patuloy ang serbisyo ng kuryente sa nasabing panahon.

“[Wle assure our customers that our crews are on standby to attend to concerns and unexpected power interruptions,” sinabi ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga.

Ang Meralco ay may 7.8 milyong customer sa Metro Manila at kalapit na lugar. RNT/JGC

Previous articleBoracay, napupuno na!
Next article3 sangkot sa iligal na droga, timbog sa P265K shabu sa Caloocan