Home NATIONWIDE Boracay, napupuno na!

Boracay, napupuno na!

MANILA, Philippines – Napupuno na ang Boracay bago pa ang inaasahang dagsa ng mga turista ngayong Semana Santa.

Ayon sa miyembro ng Boracay Foundation board of directors na si Neneth Graf sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo, “Hindi pa 100% puno pero it’s getting there. Meron pang makukuhang room.”

Aniya, ang tourist arrivals ay umabot ng 6,000 hanggang 8,000 araw-araw.

Wala pang inilalatag na panuntunan ang Department of Environment and Natural Resources sa carrying capacity ng isla.

Sinabi pa ni Graf na wala nang tourist restrictions sa lugar at ang mga beach parties ay pinapayagan na nang magdamagan.

Nagpaalala naman si Graf sa publiko na makipagtransaksyon lamang sa mga lehitimong tour organizers, dahil sa pagkalat ng mga online scammer. RNT/JGC

Previous articlePBA All-Star showdown nagtapos sa draw
Next articleMeralco nangako ng uninterrupted power service ngayong Semana Santa