Home NATIONWIDE P89B alokasyon sa seniors inuumang ng Kamara

P89B alokasyon sa seniors inuumang ng Kamara

MANILA, Philippines – Target ng House Committee on Appropriations na magkaroon ng P89-billion alokasyon para sa panukala na magbibigay ng universal social pensions sa mga senior citizens.

Ayon kay Laguna Rep Loreto Amante, vice chairperson ng House Committee on Senior Citizens, aprubado na ang substitute bill para sa panukala at sa oras na maaprubahan ang alokasyon ng Appropriations Committee ng Kamara ay dagdag na P1,000 kada buwan ang matatanggap ng mga seniors.

“For the non-indigent, it is worth P500 for the meantime, but after five years, there will be a uniform rate of P1,000,” paliwanag ni Amante.

Para mapabilang na beneficiary ay kailangan lamang na mayroong valid ID ang mga senior citizen na inisyu ng

“We are looking at using bank transfer or e-wallet for this program for speedy release, but for the remote areas, this may not be applicable to the DSWD would have to go to them,” paliwanag pa ni Amante.

Ang wala pang numero na substitute bill para sa universal social pension ay una nang naaprubahan sa House Committee on Senior Citizens noong November 2022 gayunpaman ang kaparehong panukala sa Senado ay nanatiling nakabinbin sa committee level.

Una nang sinabi ni Department of Budget and Management official Nihal Abdulrauf na ang taunang universal social pension ay dapat na madoble base na rin 2015 census na nagsasabi na nasa 7.9 million na ang senior citizens sa bansa, sa nasabing bilang ay 3.8 million ang indigent. Gail Mendoza