Home NATIONWIDE Sa 20th year ng ‘Hello Garci’ mas mabigat na batas vs vote-buying,...

Sa 20th year ng ‘Hello Garci’ mas mabigat na batas vs vote-buying, hirit ni Poe

MANILA, Philippines – Hinilng ni Senador Grace Poe sa plenaryo ng Senado ang pagsasabatas ng reporma sa halalan partikular ang pagtatakda ng mas mabigat na parusa laban sa vote-buying sa panahon ng makabagong teknolohiya habang inaalala ang kontrobersiyal na “Hello Garci” na nabulgar 20 taon ang nakalipas.

Sa kanyang privilege speech, tinukoy ni Poe ang “Hello Garcia” sa wiretapped conversations hinggil sa usapan ng bilihan ng boto noong 2004 elections na pinag-usapan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Kalaban ng ama ni Poe, si yumaong Fernando Poe Jr.,. si Arroyo na nagpahayag ng “I am sorry” for lapse of judgement sa pagtawag sa ilang opisyal ng Comelec na pinaniniwalaang si Garcillano.

“A good two decades have passed since the “Hello Garci” was pulled off, and I am recalling it today, not as a daughter of the decent man who was robbed of votes, but as a senator of the Republic who believes it is her duty not to let this blot in our history fade from the nation’s memory,” ayon kay Poe sa privilege speech.

“More than the need to move on, we need to move forward. Because I believe that it is not the passing of time that heals wounds, or mends wrongs. It can only be cured if we apply remedies that will prevent it from happening again, of lessons so powerful that it deters repetition, by sanctions that await those who try to commit it once more,” dagdag niya.

Sinabi ni Poe na sana nakapagluwal ng kaukulang batas ang kontrobersiyal na dayaan noong 2004 upang maiwasan ang vote-buying sa mga sumunod na halalan, ngunit hindi naganap.

“Yes, there were laws passed, like poll computerization, and minor fixes, but the biggest scourge, the buying of votes has not been purged out of our politics,” ayon kay Poe.

Bukod sa reporma sa teknolohiya, sinabi ni Poe na marami pang dapat gawin sa electoral landscape kabilang ang paghahabi ng bagong pakahulugan sa electoral crimes words tulad “premature campaigning”, “vote-buying”, at “vote-selling” cover.

Ipinalutang din ni Poe na dapat magsimula ang kampanya kapag nakapaghain ng kandidatura at ilahok ang vote buying sa lahat ng posibleng pamamaraan tulad ng paggamit ng e-wallets na nakita noong 2022 elections.

Inihain ng senador ang Senate Bill 2664, na may layunin na palawakin ang depinisyon ng vote-buying upang sakupin ang criminal developments na nagsasamantala sa paggamit ng technology at computer, software, at applications sa electoral activities.

Itinakda sa panukala ni Poe na patawan ng 10 taong pagkakakulong ang napatunayan sa cyber vote-buying na walang probation.

“It is when we fail to act immediately that the ‘Hello Garci’ crisis continues to haunt us. There were many impeachment complaints but no one was [punished] for this crime. The guilty remains in power, taking refuge in our collective amnesia to delete our memory on the wrongs they have committed. Pagala-gala pa rin si Garci parang wala lang nangyari,” aniya.

Kasabay nito, nilinaw din ni Poe na hindi sour graping ang kanyang speech bagkus naghahanap lamang ito ng reporma upang matiyak na magkaroon ng parehas na botohan sa ating bansa.

“Pinag-isipan ko, ilalabas ko pa ba to kasi baka sabihin naman nila hanggang ngayon pa ba nagsa-sour grape [ka?]. Hindi po. Wala po akong poot na nararamdaman,” aniya.

“Kaya lang… kasi mag-e-eleksyon na naman next year. Sana naman medyo maging maayos. Kasi rampant na naman ‘yung vote-buying e and if you want good people to run this country, we really have to make an effort to guard our votes and to make sure that there is a level playing field,” paliwanag ng senador.

Nitong nakaraang halalan, naghain ng petisyon ang ilang grupo sa Supreme Court upang ipalantad sa Comelec ang pinanggalingan ng mahigit 21 milyong boto na pumasok sa server nito mula sa isang pribadong IP address na mahigpit na ipinagbabawal ng batas. Ernie Reyes