Home NATIONWIDE No cash aid para sa graduating studes – DepEd

No cash aid para sa graduating studes – DepEd

MANILA, Philippines – NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi ito nagbibigay ng “cash aid” lalo na sa mga graduating student.

“It’s unfortunate that there are still individuals or groups of individuals who are taking advantage of our schools, particularly in posting fake advisories claiming cash assistance from DepEd for graduates,” ayon kay DepEd Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Francis Cesar Bringas.

Tinukoy ni Bringas ang kumakalat at umiikot na post sa online ukol sa “cash aid” para sa graduating students at maging ang paggam,it ng larawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte at logo ng departamento.

“Definitely, that is not true,” dagdag na wika nito.

May ilang posts kasi ang umiikot ngayon sa online kabilang na ang mga advisories na nagsasabing may allowance para sa school learners.

“Wala po tayong programa na nagbibigay ng cash allowance or assistance for public schools and even private school learners,” aniya pa rin.

Ang paliwanag ni Bringas, wala ni isa man sa DepEd o national government ang may programa. Ang educational assistance para sa mga mag-aaral aniya ay saklaw ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) na kabilang na sa Senior High School Voucher Program (SHS VP) para sa mga Senior High School at Education Service Contracting (ESC) para sa mga Junior High School students.

“Iyan lang ang nakapaloob na programa for DepEd,” ayon kay Bringas.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya ang DepEd Central Office sa tamang ahensiya ng gobyerno para tukuyin kung sino ang nasa likod ng false advertisements na “tarnish the image” ng departamento.

“We are looking at it as a scheme to take advantage of people who may not be fully aware of the programs of the department,” ang wika ni Bringas.

At upang makaiwas na ma-scam, hinikayat ni Bringas ang ;publiko lalo na iyong mga na kaka-encounter ng schemes na “verify the information” sa official website ng DepEd at kagyat na i-report ang anumang may kinalaman na insidente sa malapit na tanggapan ng DepEd. Kris Jose