Home NATIONWIDE 80-anyos na Batangas gov ikinasal sa batang abogada

80-anyos na Batangas gov ikinasal sa batang abogada

(c) Nice Print Photography & Exige Weddings

BATANGAS CITY- “AGE DOESN’T MATTER”

Ito ang pinatunayan ng bagong kasal na sina Batangas governor Hermilando Mandanas at Atty. Angelica Chua, sa kabilang na halos 50-taon ang agwat ng kanilang edad.

Ginanap ang seremonya noong Miyerkules sa Basilica of the Immaculate Conception Batangas at isa sa kanilang bisita ay ang mag-asawang President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos at ibang politiko mula nasyonal at lokal.

Habang ginanap naman ang reception sa harap ng provincial capitol.

Si Chua, ay nagtapos ng kanyang law degree sa Ateneo de Manila University habang ang ama nito ay isang doktor at executive judge ng Batangas City ang ina na si Judge Maria Cecilia Austria Chua.

Dalawang taon na ang nakalipas simula noong Mayo 5, 2022 ng mamatay ang asawa ni Mandanas na si Anakalusugan Party-list nominee at dating Congresswoman Atty. Regina Reyes.

Nagsimula naman mag-date ang mag-asawang Mandanas at Chua nitong taon./Mary Anne Sapico