Home HOME BANNER STORY Drug suspect nanlaban-patay; P5M tobats nasabat

Drug suspect nanlaban-patay; P5M tobats nasabat

MANILA, Philippines – Patay ang isang drug suspect habang nasabat ang P4.96 million na halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Barangay Badiangan, Iloilo City, iniulat ng Police Regional Office 6 nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si alyas Timor, 41 taong gulang.

Inaresto rin ng mga awtoridad si alyas Erik, 48. Ang dalawa ay tinaguriang high-value na indibidwal.

Sinabi ng pulisya, sa isinagawang operasyon noong Hulyo 1, bumunot umano ng baril si alyas Timor dahilan upang gumanti ang mga operatiba. Dinala ang suspek sa Iloilo Provincial Hospital para magamot ngunit idineklara itong dead on arrival.

Batay sa record ng pulisya, may mga naunang kaso ng pagpatay at pagnanakaw ang suspek.

Nakuha rin ng mga pulis ang isang kalibre .45 na pistola, chamber loaded at may nakalagay na magazine.

Nasa kustodiya ng pulisya ang isa pang suspek at kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. Santi Celario