Home NATIONWIDE DSWD AICS program magbabalik sa Lunes, Oct. 28, 2024

DSWD AICS program magbabalik sa Lunes, Oct. 28, 2024

102
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpapatuloy ang operasyon ng Assistance Individuals in Crisis Situations program sa darating na Lunes, Oktubre 28.

Ang AICS program ng DSWD ay apektado ng suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa bagyong Kristine.

“Ang mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program na naka-schedule ng Oktubre 23-25 na hindi na-assist o hindi nakapunta ay pwedeng magtungo sa aming tanggapan mula Oktubre 28-31 para kayo ay mabigyan ng assistance,” ang sinabi ng DSWD sa official Facebook page nito.

“Para sa mga katanungan, hinihikayat ang mga kliyente na bisitahin ang aming official Facebook page (@dswdserves) para sa mga updates at iba pang mga anunsyo,” ayon pa rin sa departameto. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here