Home METRO Durugistang miyembro ng ‘Saturnino criminal group’ timbog sa P27K bato, bakal

Durugistang miyembro ng ‘Saturnino criminal group’ timbog sa P27K bato, bakal

299
0

Bulacan – Arestado ang pinaghihinalaang tulak na miyembro ng criminal group sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong madaling araw ng Nobyembre 24.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang suspek na si alyas “Potpot”, 31,

Ayon sa ulat, naaresto sa ikinasang operasyon ng pulisya ang suspek bandang 2:30 ng madaling araw sa Brgy. Tungkong Mangga.

Nabatid na nagbenta ang suspek ng isang sachet na hinihinalang shabu sa mga awtoridad kaya agad siyang inaresto.

Narekober sa suspek ang apat pang sachets na hinihinalang shabu na tumimbang ng aabot sa apat na gramo na nasa halagang P27,200, improvised shot gun na kargado ng isang bala at marked money.

Sinasabing miyembro ng Saturnino Group at kabilang sa COPLAN BILOG target list ng SJDM police station ang suspek na dinala sa nasabing istasyon para sa tamang dokumentasyon at paghahanda sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here