Home NATIONWIDE Duterte, Bato iimbitahan ng QuadComm sa EJK, POGO probe

Duterte, Bato iimbitahan ng QuadComm sa EJK, POGO probe

121
0

MANILA, Philippines – Posibleng imbitahan sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara kaugnay sa illegal Philippine offshore gaming operators at umano’y extrajudicial killings sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay House QuadComm co-chair and Manila 6th District Rep. Benny Abante, ikinokonsidera ng mega panel ang pag-imbita sa dalawa sa mga susunod na pagdinig nito.

Ito ay matapos ang ilang oras na pagdinig ng QuadComm na nagsimula Biyernes ng umaga at natapos madaling araw ng Sabado, kung saan sinabi ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma na nilapitan siya ni Duterte para magpahanap ng isang opisyal na magpapatupad ng “Davao model” ng drug war sa national scale, kasabay ng mga pabuya sa bawat mapapatay na drug suspects.

“The thing is — ayaw naman namin na tumagal nang ganito. If we’re going to invite him, siguro kaunti lang. Siya lang siguro,” ani Abante.

Aniya, nauna nang inimbitahan ng House human rights panel si Duterte sa imbestigasyon kaugnay sa EJKs ngunit hindi ito nakapunta. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here