Home ENTERTAINMENT E.A.T. ‘di ipatatawag ng MTRCB chair: ‘Ganoon po talaga ang aming mga...

E.A.T. ‘di ipatatawag ng MTRCB chair: ‘Ganoon po talaga ang aming mga magulang’

Manila, Philippines – Ipinatanggol ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto ang E.A.T. matapos ang pagpapatawag nila sa noontime show na It’s Showtime.

Iginigiit kasi ng netizens na naging unfair ang MTRCB dahil sa pagpapatawag nito sa It’s Showtime habang pinalampas naman anila ang E.A.T.

Matatandaang nag-viral ang eksena nina Vice Ganda at Ion Perez sa It’s Showtime matapos ang subuan ng icing sa segment na Isip Bata which people found “malaswa”.

Dahil sa pagpapatawag sa naturang show, agad na nagreklamo ang fans at itinuro ang eksena nina Tito Sotto at Helen Gamboa sa E.A.T. kung saan nagbirong paliliguan ng halik nang nauna ang asawa.

Depensa ni Lala, matagal ng gano’n ang mga magulang niya kahit sa mga guestings nila noon sa ibang shows. Ehemplo pa nga aniya sina Sotto at Gamboa sa mga mag-asawa.

“Ganoon po talaga ang aming mga magulang mapa-sa telebisyon maski saan mula pa po noong mga bata kami.

“They have been married for 55 years now and katulad nga ng sinasabi ko ‘yung mga lambingan nila na ganyan simula noong may show sila… kapag naggi-guest ang mommy sa Iskul Bukol at ‘yung dating Eat Bulaga… all through the years ginagawa po talaga nila ‘yan at wala namang naging problema kasi in fact ito ay isang ehemplo ng mag-asawa.”

Bukod dito, ipinagdiinan ni Lala na hindi deserving ang E.A.T. na mabigyan ng notice to appear, ang It’s Showtime lang aniya lalo’t ang programa ay Rated PG.

“Nakarating din po sa amin na mayroon pong konting mga reklamo na nagsasabi na ako raw po ay unfair. Hindi patas dahil hindi ko raw pinapatawag ang EAT. Wala pong dahilan para ipatawag ang EAT dahil hindi po sila deserving of a notice to appear. Ang binigyan namin ng notice to appear ay ang programang Showtime that is Rated PG.” Paula Jonabelle Ignacio