MANILA, Philippines – Magsisimula ngayong Enero 2, 2026 ang pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ng pagbabawal sa e-trikes at e-bikes sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Saklaw ng pagbabawal ang EDSA, C-5, Roxas Boulevard, at Quirino Avenue hanggang Magallanes–SLEX.
Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, layunin ng hakbangin na tiyakin ang kaligtasan sa kalsada, at ang mga mabagal at magaan na sasakyan tulad ng e-trike ay nagdudulot ng panganib sa mga lansangang idinisenyo para sa mas mabilis at malalaking sasakyan.
Idinagdag niya na nakikipagtulungan ang LTO sa mga lokal na pamahalaan at sektor ng industriya upang makabuo ng ligtas at angkop na ruta para sa mga e-trike.
Ang mahuhuling lalabag ay maaaring patawan ng multa at maipapataw na ipina-impound ang kanilang sasakyan alinsunod sa Land Transportation and Traffic Code at kaugnay na administrative orders.
Magpapatupad ng presensya ang LTO ng mga law enforcer sa mga kritikal na lugar upang ipabatid at ipatupad ang pagbabawal. Santi Celario