Home NATIONWIDE Easterlies iiral sa silangang bahagi ng Luzon, Visayas

Easterlies iiral sa silangang bahagi ng Luzon, Visayas

MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Lunes at magdudulot ng pag-ulan, ayon sa PAGASA.

Inaasahan sa Eastern Visayas ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa easterlies. Nakaamba ang flash floods o landslides sa “moderate to at times heavy rains.”

Nagbabadya naman sa Bicol Region, Quezon, ay Aurora ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil din sa easterlies. Maaaring magresulta ang severe thunderstorms sa flash floods o landslides.

Makararanas ang South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at Davao Occidental ng kalat na pag-ulan dahil sa Intertropical Convergence Zone.

Samantala, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, inaasahan ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:31 ng umaga at lulubog ng alas-6:29 ng hapon. RNT/SA