Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado, Marso 23 ang easterlies.

Ayon sa PAGASA, ang Aurora, Quezon, at Camarines Norte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleSUNOOOOOG! MAHINANG TUBIG, MASIKIP NA DAAN
Next article2 paslit natagpuang-patay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Pampanga