Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa Vis-Min

Easterlies magpapaulan sa Vis-Min

3
0

MANILA, Philippines — Patuloy na magdadala ang easterlies o silangang hangin ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Martes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Makakaranas ng isolated rain showers at thunderstorms ang Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.

Samantala, makararanas din ang nalalabing bahagi ng bansa ng pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng localized thunderstorms. Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng matitinding thunderstorm.

Magiging mahina hanggang katamtaman naman ang ihip ng hangin at banayad hanggang katamtaman ang kondisyon ng karagatan sa buong kapuluan. Wala ring mino-monitor na low pressure area ang PAGASA na maaaring maging bagyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here