Home ENTERTAINMENT Eddie, 2 beses pang babalik ng Singapore para sa gamutan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Eddie, 2 beses pang babalik ng Singapore para sa gamutan!December 22, 2025 17:373140 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May dalawa pang nakaiskedyul na gamutan si Eddie Gutierrez sa Singapore.Kagagaling lang doon ng beteranong aktor accompanied by his wife Annabelle Rama and kids Ruffa and Raymond.Nakatakdang bumalik sa Singapore ang Gutierrez patriarch sa January at March.Hindi maipaliwanag ni Annabelle ang eksaktong iniinda ng mister kaya hinayaan na lang niya si Ruffa to do the explaining.All that Annabelle can say ay pareho daw ang iniinda nina Eddie at Maricel Soriano.Mas detalyado naman ang paliwanag ni Ruffa–hindi raw kasi ma-detect dito sa atin kung saan nanggagaling ang infection ng ama.Ito daw ang dahilan why her dad needs to fly back to Singapore next year.Pero may kinalaman daw ‘yon sa prostate at spine.Ang magandang balita, magana nang kumain ang ama–iba rin daw talaga mag-alaga ang isang Annabelle Rama.Wagas kung wagas! Ronnie Carrasco III