Home NATIONWIDE Eddie Garcia Law tintado na ni PBBM

Eddie Garcia Law tintado na ni PBBM

MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 11996 o “Eddie Garcia Law” noong Mayo 24, naglalayong bigyang proteksyon at tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng Pelikula at Telebisyon.

Ang nasabing batas ay nag-ugat mula sa na mapayapang aktor na si Eddie Garcia.

Sa ilalim ng batas, ang lahat ng mga manggagawa ay dapat na protektado ng kanilang employers o principal sa lugar na kanilang pinagta-trabahuhan.

Nakapaloob din sa batas ang implementasyon ng work hours, sahod at iba pang “wage-related benefits, social security at welfare benefits, basic necessity, health and safety, working conditions and standards, at insurance.”

Ang proteksyon ng mga manggagawa sa Pelikula at Telebisyon ay dapat na alinsunod sa Labor Code of the Philippines o Presidential Decree No. 442, at Republic Act No. 11058 o “Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations ” at iba pang naaangkop na batas.

Isinasaalang-alang ng bagong batas ang bigat ng aksidente na naging dahilan ng pagkamatay ni Garcia habang gumagawa ng pelikula.

Dahil dito, may mandato na ang mga manggagawa at employer o principal na gumawa ng isang kasunduan o isang employment contract sa salita o diyalekto na maiintindihan kapuwa ng magkabilang partido bago pa simulan ang serbisyo.

“No agreement or employment contract shall discriminate against a worker who has contracts or projects with other production outfits unless exclusivity is specified in the contract, nor shall any person perform any act involving preference based on race, color, descent, national or ethnic origin, or religion, which has the purpose or effect of nullifying the recognition, enjoyment, or exercise on an equal footing of any human right or fundamental freedom,” ang non-discriminatory provision na nakasaad sa batas.

Hinggil naman sa oras ng trabaho, nakasaad sa batas na kailangan na ibase ito sa terms and conditions na itinakda sa kasunduan o employment contract at iba pang probisyon na nilagdaan ng employer o principal.

Ukol naman sa sahod, ang minimum wage ng isang manggagawa ay hindi bababa sa naaangkop na minimum wage sa rehiyon kung saan ang isang manggagawa ay na-hire at ang sahod ay dapat na bayaran “on time” gaya ng napagkasunduan sa kontrata, direkta sa manggagawa.

“The employer or principal shall strictly adhere to the provisions of Republic Act No. 7610 as amended by Republic Act No. 9231 in the employment of minors,” ayon sa batas.

“All workers shall also be covered by and entitled to benefits provided by the Social Security System (SSS), the Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, and the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth),” ayon pa rin sa batas.

At upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa, binigyan ng batas ng mandato ang mga employer o principal na mahigpit na sumunod sa “occupational safety at health standards” na nakasaad sa Republic Act No. 11058 at Seksyon 25 ng Republic Act No. 11036.

Nananawagan din ang batas para sa patuloy na pagpapaunlad ng mga kasanayan at muling kasanayan ng mga manggagawa. Ipinag-utos ng batas sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa pakikipagtulungan sa mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan at iba’t ibang stakeholders, na i- develop at magpatupad ng sistema sa pagpapatuloy na “skills upgrading, reskilling, at training” ng mga manggagawa sa industriya ng Pelikula at Telebisyon.

Ang mga violators o mga lalabag sa anumang seksyon ng batas ay pagmumultahin ng P100,000 para sa first offense; hanggang P200,000 para sa second offense; at hanggang P500,000 para sa third at sa mga sumunod na pagkakasala.

“If the violation is committed by a corporation, trust or firm, partnership, association or any other entity, the fines shall be imposed upon the entity’s responsible officers, including, but not limited to, the executive producer, producer, production manager, and business unit manager,” ayon sa batas. Kris Jose