MADALAS mapabalita ang paglapastangan sa EDSA bus lane ng ilang motorista na kadalasan ay mga diumano’y dikit sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Kaya naman ninais ni Presidente na mismo na siya ang tumingin sa problemang ito.
Isang araw sa EDSA bus lane ay hiniling ng head enforcer sa kanyang mga enforcer na hindi dapat pinaiiral ang palakasan kung kaya dapat na hulihin ang sinomang lumabag sa panuntunan sa EDSA bus lane.
Nagkataon na noong araw na iyon mismo ay tinakasan ni Presidente ang kanyang mahigpit na security at escorts kaya naman pinakiusapan niya ang driver niya. Anang Presidente, “Manong, sa likod ka muna sumakay at ako muna ang magmamaneho”.
Siyempre, Presidente ang nag-utos kaya sumunod ang driver at si Presidente ang nagmaneho ng sasakyan.
Pagdating sa EDSA ay pinasok ni Presidente ang bus lane. Kaagad nakita ito ng head enforcer at inutusan niya ang isa sa kanyang mga enforcer na i-flag down ang sasakyang lumabag sa panuntunan ng Edsa Bus Lane.
” O hayun, parahin mo, “ ayon sa head enforcer kasabay nang bilin na “walang palakasan”, maski sino pa ang sakay niya.”
Nilapitan ng enforcer ang sasakyan. Pero nang sumilip sa sasakyan kaagad itong umatras sa gulat at kaagad na pinaalis ang sasakyan. Nagalit ang head enforcer sa nakita at tinanong ang batang enforcer,” Bakit di mo hinuli?
” Sir . Pasensya na. Hindi ko kaya hulihin.”
” Bakit? Sino ba sakay?”
” Sir. Hindi ko kilala ang sakay,” ayon sa enforcer na lalong ikinagalit ng head enforcer nito.
” Ha? Hindi mo lang kilala ang sakay pero hindi mo hinuli?,” tanong pa nito.
Sagot naman ng enforcer, ” Hindi ko kilala nakasakay boss. Pero sigurado ako na sobrang lakas niya. Akalain mo boss si President ang driver niya.”
Ayos ba ang joke?






