Home NATIONWIDE EG.5 tinukoy ng WHO bilang COVID-19 ‘variant of interest’

EG.5 tinukoy ng WHO bilang COVID-19 ‘variant of interest’

277
0
FILE - This undated, colorized electron microscope image made available by the U.S. National Institutes of Health in February 2020 shows the Novel Coronavirus SARS-CoV-2, indicated in yellow, emerging from the surface of cells, indicated in blue/pink, cultured in a laboratory. The National Institutes of Health is opening a handful of studies to start testing possible treatments for long COVID, an anxiously awaited step in U.S. efforts against the mysterious condition. The announcement, Monday, July 31, 2023 comes amid frustration from patients who've struggled for months or years with sometimes disabling health problems. (NIAID-RML via AP, File)

MANILA, Philippines-Tinukoy ng World Health Organization nitong Miyerkules ang EG.5 coronavirus variant na kumakalat sa United States at China bilang “variant of interest” subalit nilinaw na hindi kasing laki ang bantang hatid nito pampublikong kalusugan kumpara sa ibang variant.

Natukoy din ang fast-spreading variant, na sa United States ay tinatayang mahigit 17% ng mga kaso, sa China, South Korea, Japan at Canada.

“Collectively, available evidence does not suggest that EG.5 has additional public health risks relative to the other currently circulating Omicron descendent lineages,” anang WHO sa isang risk evaluation.

Kinakailangan umano ng mas komprehensibong pagsusuri sa bantang hatid ng EG.5, dagag nito.

Nasawi sa COVID-19 ang mahigit 6.9 milyon sa buong mundo, na may mahigit 768 milyong kumpirmadong kaso mula nang lumitaw ang virus. Iidineklara ng WHO ang outbreak bilang panemya noong Marso 2020 at natapos ang global emergency status para sa COVID-19 nito lamang Mayo ng kasalukuyang taon. RNT/SA

Previous articleKaragdagang pabahay inilunsad ng Navotas, NHA
Next articlePiolo, ikinumpara sa donut!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here