Home NATIONWIDE El niño watch itinaas ng PAGASA; posibleng tagtuyot, ibinabala sa huling bahagi...

El niño watch itinaas ng PAGASA; posibleng tagtuyot, ibinabala sa huling bahagi ng 2026

160
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA noong Marso 25 sa posibleng pag-usbong ng El Niño sa susunod na anim na buwan. Sa kasalukuyan, ang bansa ay nasa ENSO-neutral conditions matapos ang La Niña na nagtapos noong Marso 9.

Ayon sa mga forecast, may 62% posibilidad na maging mahina ang El Niño mula Hunyo hanggang Agosto, at 83% na magpapatuloy hanggang katapusan ng 2026. May 56–60% posibilidad namang maging moderate ito sa huling bahagi ng taon.

Ipinapayo ng PAGASA sa pamahalaan at publiko na magsimula nang maghanda sa posibleng epekto, tulad ng kakulangan sa tubig, pagbaba ng ani sa agrikultura, at hamon sa suplay ng enerhiya.

Habang ilang kanlurang bahagi ay maaaring makaranas ng pansamantalang pag-ulan, inaasahang magiging tuyot sa gitna at silangang rehiyon sa pag-usbong ng El Niño sa Hunyo hanggang Agosto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here