Home ENTERTAINMENT Elijah, nanghinayang sa BQ!

Elijah, nanghinayang sa BQ!

176
0

Manila, Philippines – Crime does not pay.

Ito ang mensaheng nakapaloob sa pamamaalam ni Elijah Canlas sa Batang Quiapo.

Kailangan kasing pagbayaran ng kanyang karakter bilang Pablo ang panggagahasa niya kay Bubbles played by Ivana Alawi.

And what better way to pay for his transgression than to die?

Sinadya talagang patayin ang karakter ni Elijah as he leads the cast of ABS-CBN’s High Street.

Gayunpaman, bitbit ni Elijah ang ilang masayang alaala for being part of BQ since January.

Sa teleseryeng ‘yon lang daw naranasan ng aktor na sa mismong araw ng taping ay ibibigay sa kanya ang mga linya niya.

Bahala na raw ang cast members mag-improvise.

Very thankful naman si Elijah na nakaeksena niya ang mga hinahangaan niyang artista tulad nina Charo Santos-Concio at Irma Adlawan.

Pero at the same time, naroon ang kanyang panghihinayang he never got to do scenes with real-life “rumored sweethearts” Senator Lito Lapid and Lorna Tolentino plus Ronnie Lazaro.

Pero ang pinakasukdulan daw na bet makaeksena ni Elijah na hindi na nga mangyayari ay si Roda, ang papel na ginagampanan ni direk Joel Lamangan.

‘Yun na! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here