Home ENTERTAINMENT Ellen, dumepensa kay JLC!

Ellen, dumepensa kay JLC!

Manila, Philippines – Who says na kay Elias lang alone sensitive si Ellen Adarna pagdating sa mga social media comments?

Siyempre, ka-“package deal” na rin ni Elias ang ama nitong si John Lloyd Cruz.

Isang netizen kasi ang nag-post ng: “The only decent moving up photo.”

Patungkol ‘yon sa larawan nila ni Derek Ramsay kasama si Elias sa moving up ceremony nito sa school.

Okey na sana ang mood ni Ellen until a female netizen made a comment: “JL should be there.”

Obyus naman na ang JL na tinutukoy ay si John Lloyd.

Doon na nasira ang magandang timpla ni Ellen.

Ani Ellen, just because wala raw sa photo ang ama ni Elias “doesn’t mean he wasn’t there.”

Sa katunayan daw–pagtatanggol pa ni Ellen–lahat daw ng milestones sa buhay ni Elias ay present si John Lloyd.

“Manang, don’t be close-minded!” pahabol pang taray ni Ellen.

Magsilbi sanang aral ‘yon sa maraming netizens na feeling ay mas marami pang alam sa mga kaganapan sa buhay ng mga showbiz families.

Uubra ba naman kay Ellen in case na iresponsableng ama si Lloydie kay Elias? Ronnie Carrasco III