Home NATIONWIDE Pagpapawalang-sala kay De Lima pinuri ng US

Pagpapawalang-sala kay De Lima pinuri ng US

MANILA, Philippines- Pinuri ng United States at ilang foreign missions sa Pilipinas ang pagpapawalang-sala kay dating Senador Leila de Lima sa huling criminal charge laban sa kanya.

Inihayag ng State Department nitong Hunyo 24 na “committed” pa rin ang US sa pakikipagtulungan sa Pilipinas upang palakasin ang demokrasya at karapatang pantao sa buong mundo.

“We continue to urge the Philippines to resolve politically motivated cases, including those against journalists and civil society, in a manner consistent with its international human rights obligations and commitments,” pahayag ni State Department spokesperson Matthew Miller.

Sa hiwalay na post sa X, sinabi ni Australian Ambassador HK Yu na ikinagalak ng Canberra na makitang abswelto na si De Lima sa lahat ng kaso.

“Australia’s pleased to see Atty. Leila De Lima and her co-defendants cleared of all charges. I’m grateful to have met this strong and courageous woman. Australia continues to support the rule of law and respect for human rights,” pahayag ng opisyal.

Binigyang-diin naman ni Canadian Ambassador David Hartman na “transparency, evidence, and independence of the judiciary are essential” to democratic systems of justice.

Samantala, sinabi ni German Ambassador Andreas Pfaffernoschke na ipinakikita nito ang “significant victory for justice and rule of law”.

“Grateful that she can continue her vital work in advocating for truth and justice. I urge the government to quickly resolve all cases of EJK and bring perpetrators to justice,” giit niya sa X.

Ibinasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 nitong Lunes ang conspiracy to commit a drug trading case laban kay De Lima sa pagpalya ng prosekusyon na patunayan ang kanyang guilt beyond a reasonable doubt.

Iginawad din ni Branch 206 presiding judge Gener Gito ang demurrer to evidence ni De Lima at pinawalang-sala ang co-accused nitong si dating Bureau of Corrections director Franklin Bucayu, dating bodyguard ng dating mambabatas na si Ronnie Dayan, at dating mga tauhan na sina Joenel Sanchez at Jad Dera. RNT/SA