Home HOME BANNER STORY Empleyado ng korte arestado sa pagtanggap ng P6M suhol

Empleyado ng korte arestado sa pagtanggap ng P6M suhol

MANILA, Philippines – Pinakilos na ni Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang Office of the Court Administrator hinggil sa napaulat na pagkaka-aresto sa isang kawani ng Pasay RTC na tumangap ng ₱6 milyon kapalit ng paborableng desisyun sa kaso.

Natangap ng Office of the Chief Justice ang preliminary report mula sa National Bureau of Investigation hinggil sa entrapment operation laban sa empleyado ng Branch 108, Regional Trial Court, Pasay City. Huli sa akto ang hindi pinangalanan na court employee na tinangap ang six million pesos mula sa isang litigant bilang kabayaran umano para pumabor sa kanya ang nakabinbin na civil case.

Itinuturo naman ng empleyado ang Presiding Judge na siya umanong nag-utos sa kanya na kunin ang pera.

Sa isang statement, inatasan ni Gesmundo si Court Administrator Raul B. Villanueva na isumite sa kanyang tangapan sa lunes, May 27, 2024, ang kabuuang report at rekomendasyon nito bunsod ng insidente. Teresa Tavares