Home NATIONWIDE Energy pivot ng ADB hinamon ng civil society organizations

Energy pivot ng ADB hinamon ng civil society organizations

73
0

UZBEKISTAN – Nanawagan ang NGO Forum on ADB at mga kaalyado nito sa Asian Development Bank (ADB) na iwasan ang mga mapanganib na energy development pathways na umano’y magpapalalim sa utang, fossil fuel dependence, nuclear risks at pinsalang dulot ng extractive industries.

Sa isinagawang 59th Annual Meeting ng ADB sa Samarkand, sa Uzbekistan, sinabi ng grupo na mahalagang tiyakin ng ADB na ang mga pondong inilalabas nito ay nakababawas sa hindi pagkakapantay-pantay at nagpoprotekta sa mga komunidad sa halip na magpalala ng kahinaan ng mga ito.

Ayon sa civil society organizations, lumalala ang economic uncertainty sa mga developing countries dahil sa geopolitical tensions, pagtaas ng presyo ng langis, inflation, at lumalaking utang bunsod ng sigalot sa Middle East.

Binanggit din ng grupo ang datos mula sa International Monetary Fund (IMF) na nagsasabing ang 10 porsyentong pagtaas sa presyo ng langis ay maaaring magdagdag ng 0.4 porsyento sa global inflation at magpababa ng economic output.

“ADB cannot claim to be a partner in Asia’s resilience while financing pathways that deepen the very crises people are already enduring,” ayon kay Rayyan Hassan, executive director ng NGO Forum.

“The Bank’s test today is not how much money it can move, but whether its financing choices stop transferring crisis costs onto the poor, the displaced, Indigenous Peoples, workers, women, and affected communities across Asia,” dagdag pa.

Samantala, sinabi ni Nazareth Del Pilar, Just Transitions Advocacy Officer ng Forum, na nabigo umano ang ADB na tuparin ang climate commitments nito.

“But the Bank failed miserably to uphold its climate commitments, acting on the whims of its rich shareholders rather than the genuine needs of people and the planet,” ani Del Pilar.

Nagbabala rin ang grupo laban sa nuclear energy, lalo na sa mga bansang may mahinang safeguards at oversight systems.

Binanggit ni Yuki Tanabe ng Japan Center for a Sustainable Environment and Society (JACSES) ang epekto ng Fukushima nuclear disaster sa Japan.

“Fifteen years have passed since the Fukushima nuclear accident, yet 300 square kilometers remain an evacuation zone, and more than 20,000 people are still unable to return to their hometowns,” ani Tanabe.

Samantala, nanawagan din ang Alyansa Tigil Mina para sa mas mahigpit na due diligence standards at proteksyon sa mga komunidad na maaapektuhan ng pagmimina.

“The path to an energy transition must be inclusive and just,” ayon kay Jaybee Garganera ng Alyansa Tigil Mina.

Hinimok ng mga grupo ang ADB na palakasin ang accountability mechanisms nito upang matiyak na may agarang remedyo para sa mga komunidad na maaapektuhan ng mga proyekto.

Ayon kay Radhika Goyal ng Accountability Counsel, mahalagang mapanatiling independent at accessible ang grievance mechanism ng ADB.

Nagbabala rin si Titi Soentoro ng Aksi! for Gender, Social, and Ecological Justice na madalas umanong pabor sa corporate interests ang development models ng ADB habang napapabayaan ang kapakanan ng mga komunidad at kababaihan.

Sa huli, sinabi ng NGO Forum on ADB na ang tunay na sukatan ng liderato ng bangko ay hindi laki ng investments kundi kung paano nito pinoprotektahan ang mga tao, karapatan, at kalikasan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here