Manila, Philippines – Time out muna si Claudine Barretto sa kapo-post ng tungkol sa kanyang lovelife.
Sa halip, her recent posts are all about self-love.
Ang latest post nga ng aktres ay may suot siyang aakalain mong engagement ring.
Anyone would be quick to conclude na–engaged na nga siya, but to whom?
Hindi naman maaaring kay Milano Sanchez dahil prior to this ay may emote siya na parang their romance is over before it officially started.
Hindi naman nagpo-post si Claudine what went wrong until her post with a ring on her finger.
Lalo pang naintriga ang mga netizens sa kanyang caption na: “Promise you’ll never find another like me!”
Sinundan pa ito ng caption na: “I swore my loyalty to myself, me and I!”
May sumang-ayon namang netizen believed to be close to her named Trisha Ampil who commented: “You don’t need a man to put a ring on your finger!”
Malinaw na si Claudine mismo ang bumili ng singsing na ‘yon to prove that she can be happy even without a man.
Marami naman ang umayon sa obserbasyong ito.
Sa ngayon, nag-aabang ang mga netizens kung bakit all of a sudden ay nawala na sa eksena si Milano–na inakala pa namang knight in shining armor na sa damsel in distress na si Claudine. Ronnie Carrasco III