Home METRO Engineer nakuryente patay

Engineer nakuryente patay

167
0

TUGUEGARAO CITY-PATAY ang isang industrial engineer matapos makuryente habang nagkakabit ng electric extension wire kanilang bodega, iniulat kahapon, Oktubre 4 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Jabez Licuanan, 25, at residente ng San Pedro Tumauini, Isabela.

Batay sa report ng Tuguegarao-PNP, bandang 3:00 PM nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bodega sa Bagay road Caritan Norte, ng naturang lungsod.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita sa kuha sa CCTV bandang 1:05 PM nagkakabit ng electric extension wire ang biktima na para sana sa karagdagang socket.

Subalit, makalipas ang dalawang oras ilang nakita ito ng isang bodegero na hindi na sumasagot nang mapansin ang hagdanan na pinag-akyatan nito.

Nagawa pang dalhin sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Wala naman nakikitang foul play ang mga pulisya sa nasabing insidente at nasawi ang biktima sa electric fusion. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here