Home NATIONWIDE Environmental accounting framework law tinintahan ni PBBM

Environmental accounting framework law tinintahan ni PBBM

MANILA, Philippines- Tinintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang batas na makatutulong sa pag-develop ng isang information system at accounting framework para sa natural resources ng bansa at magiging epekto nito sa ekonomiya.

Ang RA 11995 o Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Law ay nilagdaan noong Mayo 22 at inilathala sa Official Gazette of the Philippines, araw ng Linggo.

Kabilang sa accounting framework ng batas ang listahan ng opisyal na pagtatalaga ng statistics sa “depletion, degradation, at restoration ng natural capital; environmental protection expenditures; pollution at quality ng land, air, and water; at environmental damage.”

Layon ng batas “to provide tools and measures that contribute to the protection, conservation, and restoration of the country’s ecosystems.”

Binigyan naman ng batas ng mandato ang Philippine Statistics Authority (PSA) Board na pangasiwaan ang implementasyon at bumuo ng inter-agency working group para lumikha ng rules and regulations ng batas sa loob ng taon na naging epektibo ito.

Samantala, inatasan naman ang Department of Agriculture (DA) na tulungan ang PSA sa paglikha at pagbibigay ng National Capital Accounting information na may kinalaman sa agricultural areas.

Makikipagtulungan naman ang DA sa Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Professional Regulation Commission, at Department of Finance. Kris Jose