Home HOME BANNER STORY Mga labi ng WW2 sub nadiskubre sa Luzon

Mga labi ng WW2 sub nadiskubre sa Luzon

MANILA, Philippines- Natagpuan kamakailan ang bahagi ng USS Harder (SS-257), isa sa mga pinakakilalang submarine ng World War II, sa dalampasigan ng Pangasinan.

Nadiskubre umano ang lumubog na sub noong nakaraang linggo ng The Lost 52 Project, isang organisasyon na naglalayong matagpuan lahat ng 52 U.S. submarines na nawala noong World War II.

Kilala ang Harder sa pagpapalubog ng pinakamaraming warships ng mga kaaway nito.

Sa huling aksyon, kinalaban ng Harder at dalawa pang subs ang Japanese escort vessels sa Dasol Bay sa Pangasinan noong August, 1944.

Kinumpirma ng Naval History and Heritage Command ang wreck site gamit ang datos na nakolekta at ibinigay ni Tim Taylor, CEO ng Tiburon Subsea at The Lost 52 Project, base sa news release nitong Huwebes.

“Resting at a depth of more than 3,000 feet, the vessel sits upright on her keel relatively intact except for the depth-charge damage aft of the conning tower,” pahayag ng Naval History and Heritage Command sa news release.

Tinawag ding “Hit ‘em HARDER,” kilala ang Gato-class sub sa pagiging agresibo nito laban sa Imperial Japanese Navy. RNT/SA