Home HOME BANNER STORY Signal No. 2 kasado sa 3 lugar sa pag-iral ni Bagyong Aghon

Signal No. 2 kasado sa 3 lugar sa pag-iral ni Bagyong Aghon

MANILA, Philippines- Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa ilang lugar sa pagkilos ni Bagyong Aghon sa coastal waters ng Casiguran, Aurora, nitong Lunes ng umaga, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa 8 a.m. bulletin, sinabi ng PAGSA na nasa ilalim ng Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

  • southeastern portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan)

  • northern portion ng Aurora (Baler, Dipaculao, Dinalungan, Dilasag, Casiguran)

  • Polillo Islands

Samantala, kasado sa mga sumusunod na lugar ang Signal No. 1:

  • northeastern at southern portion ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian)

  • eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay)

  • eastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte)

  • natitirang bahagi ng Aurora, eastern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, Llanera)

  • eastern portion ng Bulacan (San Miguel, San Ildefonso, Doña Remedios Trinidad, Norzagaray)

  • Rizal

  • northeastern portion ng Laguna (Pakil, Mabitac, Pangil, Famy, Siniloan, Santa Maria, Paete, Kalayaan, Lumban)

  • northern at central portions of Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan, Lopez, Atimonan, Gumaca, Plaridel)

  • western portion ng Camarines Norte (Santa Elena, Vinzons, Labo, Capalonga, Paracale, Talisay, Jose Panganiban, San Vicente, Daet) saklaw ang Calaguas Island

Natukoy ang lokasyon ni Aghon sa coastal waters ng Casiguran, Aurora na may maximum sustained winds na 140 kilometers per hour malapit sa sentro at gustiness hanggang 170 km/h, base sa PAGASA. Patungo ang cyclone sa north northeastward direction sa bilis na 10 km/h, dagdag nito. RNT/SA