Home ENTERTAINMENT Erik, muntik nang upakan ang resto manager, na-prank!

Erik, muntik nang upakan ang resto manager, na-prank!

Manila, Philippines – Kahit kabado’y pinangatawanan ni Angeline Quinto ang kanyang prank.

Sa kanyang latest vlog, pinamagatan niya itong Intense Prank with Erik Santos.

And true to its title, hindi lang tense ang mapapanood sa vlog kundi higit pa to the point na muntik nang magkapisikalan.

Ang eksena, while dining at a resto somewhere in Quezon City ay naglalaro sina Angeline at Erik ng Date or Pass.

Dahil medyo maingay, maya’t maya ang daan ng resto manager para sitahin sila.

What Erik didn’t know, kinuntsaba na ni Angeline ang manager.

Kunwari’y sinita pa nito si Angeline for bringing in food na bawal.

‘Di nakatis, napikon na si Erik who confronted the manager: “It’s okay but say it in a nice way!”

Erik turned to Angeline: “Ge, kilala mo ‘ko. Hindi ako madaling magalit pero hello, binabastos ka na sa harap ko!”

Doon na nakaramdam ng tensyon si Angge.

Hanggang umabot sa puntong pinaaalis na sila sa resto.

Doon na umalma nang bonggang-bongga si Erik who told the manager: “You don’t have to raise your voice at us!”

Para na lang umiwas sa gulo, niyaya nang umalis ni Erik si Angeline.

Du’n na inamin ni Angge na prank lang ‘yon sa takot na baka upakan ni Erik ang resto manager.

Kasabay ng pag-amin na it was just a prank ay ang papuri ni Angeline kay Erik bilang isang tunay na kaibigan who’s always ready to stand up for her.

Matatandaang na-link sina Angeline at Erik sa isa’t isa.

Hindi man sila ang nagkatuluyan sa bandang huli, they’ve remained the best of friends. Ronnie Carrasco IIi