Isang malaking karangalan para kay Filipino-American at Miami Heat Coach Erik Spoesltra na mapili bilang bagong head coach ng NBA Basketball Team.
Base sa ulat, si Spoelstra ang unang Fil-Am na nanguna sa Team USA.
Ito’y matapos pormal na kumpirmahin ng USA Basketball board of directors ang pagiging head coach ni Spoelstra para sa 2027 World Cup sa Qatar at sa 2028 Olympics sa Olympics sa Los Angeles.
Siya ang papalit kay Steve Kerr na nagtapos ang pamamahala matapos na makamit ng USA Basketball Team ang ikalimang magkakasunod na Olympics gold medals noong Paris Games 2024.
Sa isang panayam, sinabi ng two-time NBA champion at long-time Heat coach na isang napakalaking karangalan sa buong buhay ang mapili bilang head coach.
Naging lalong kasabik-sabik na sa US pa gaganapin ang Olympics na may tsansa silang maidepensa ang kanilang titulo.
Ayon sa ulat, personal din na pinili ni USA Basketball men’s national team managing director Grant Hill si Spoelstra para maging head coach.
Matatandaang si Spoelstra ay naging member ng coaching staff ni Kerr mula pa noong 2023 World Cup na ginanap sa Pilipinas at noong 2024 Olympics.
Ang Fil-Am coach ang magiging pangatlong head coach ng USA na ang Olympics ay sa sariling bansa gaganapin.
Unang ay si Bob Knight na nasungkit ang gintong medalya sa Los Angeles noong 1984 at si Lenny Wilkens na nagwagi ng gold medals a.noong 1996 sa Atlanta.