NANGAKO si Games and Amusements Board (GAB) Chairperson Atty. Richard S. Clarin na pupuksain niya ang mga nangyayaring game-fixing sa larangan ng electronic sports (Esports) sa bansa bilang bahagi pa rin ng kanyang ‘3XPRO’ advocacy na ‘promote, professionalize, protect’ ang Philippine sports.
Bumisita kamakailan kay Clarin ang Moonton Philippines, isang nangungunang puwersa sa digital gaming, at tinalakay ang mga mahahalagang bagay sa Esports kabilang na ang game-fixing.
Nagpahayag ng buong suporta ang Moonton Philippines sa patuloy na commitment ni Clarin na i-promote, i-professionalize at protektahan ang Esports sa Pilipinas.
Nagpasalamat naman si Clarin sa Moonton Philippines at ipinagdiinan nitong susugpuin ang game-fixing sa Esports at gagawin ang lahat upang palakasin at palaganapin ang naturang sports at protektahan din ang mga professional players nito.
“Chairman Atty. Clarin further expressed his appreciation for Moonton Philippines and emphasized the role that collaboration between industry stakeholders and regulatory bodies plays in nurturing a vibrant and sustainable E-sports ecosystem,” ayon sa GAB.JC