Home HOME BANNER STORY Estrada nagpaliwanag sa ‘pagtatago’ ng CCTV

Estrada nagpaliwanag sa ‘pagtatago’ ng CCTV

65
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senador Jinggoy Estrada ang kanyang naging pahayag kaugnay sa closed-circuit television (CCTV) camera footage ng shooting incident sa loob ng Senado.

Ani Estrada nitong Biyernes, Mayo 15, ang ibig niyang sabihin sa salitang “itago ang CCTV” ay ang pagsisiguro rito para magamit sa posibleng imbestigasyon.

Aniya, mahalaga umano na alamin ang konteksto ng kanyang pahayag gamit ang kabuuan ng video clip, at sinabing sina Senate President Alan Peter Cayetano at Senador Loren Legarda ay nagtatanong kung may mga CCTV camera na maaaring nakakuha ng palitan ng putok.

Kinwestyon kasi ng ilang netizen ang motibo ni Estrada sa paghiling sa mga staff ng Senado na itago ang CCTV footage, na anila ay posibleng tangka ng Senate Majority na itago ang tunay na dahilan ng insidente noong Miyerkules ng gabi.

“‘Itago n’yo ‘yung CCTV. Kung pagbabasehan ang real-time footage na kuha matapos ang shooting incident, malinaw na ang aking sinabi ay pagsang-ayon sa naging usapan na i-secure at pangalagaan ang CCTV footage na maaaring magsilbing mahalagang ebidensya sa insidente ng pamamaril,” sinabi ni Estrada.

“Sa gitna ng kaguluhan, agarang ipinag-utos ni Senate President Alan Peter Cayetano ang pag-secure ng CCTV footage, habang maririnig din sa video ang pagtatanong ni Sen. Loren Legarda kung nahagip ng CCTV ang pangyayari. Ang konteksto ng usapan ay malinaw, direkta, at walang anumang bahid ng ibang kahulugan,” dagdag pa ng senador.

Nalungkot si Estrada sa pagbaluktot ng ilang media outlet sa kanyang pahayag at ginamit sa sensationalized reporting para magkaroon lamang ng ‘clicks.’

“Nakakalungkot na may ilang media outlets at online platforms na sadyang binaluktot ang aking pahayag upang lagyan ito ng malisya at maghasik ng maling interpretasyon sa publiko. Mariin kong kinokondena ang ganitong uri ng iresponsableng pamamahayag at tahasang pagbaluktot sa katotohanan para lamang makalikha ng intriga, clicks, at pansamantalang ingay sa social media,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here