SAN PABLO, Laguna – Patay sa pamamaril ang isang estudyante sa Barangay San Pedro, nitong Lunes ng gabi, Nob 11.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Justine Padilla.
Ayon sa imbestigasyon, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang isang lalaki at pinaputukan siya ng maraming beses.
Dead on the spot ang biktima. Tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Barangay San Pedro dito.
Ang pulisya ay nagsasagawa ng follow-up na imbestigasyon at nirepaso sa closed-circuit television camera (CCTV) footage sa lugar para sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa suspek. RNT