Home NATIONWIDE Ex-Deputy Speaker Eric Martinez sasabak sa senatorial race

Ex-Deputy Speaker Eric Martinez sasabak sa senatorial race

176
0

TANGAN ang malawak at mahabang karanasan sa sangay ng lehislatura matapang na tinugon ni Valenzuela City 2nd Dist. Rep, Eric Martinez ang kanyang layunin ng higit pang makapaglingkod sa pamamagitan ng pagsabak sa 2025 Senatorial elections sa pamamagitan ng paghahain niya ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) nitong Oktubre 8.

Sa hangaring masungkit ang senatorial seat, binigyan-diin ni Martinez, na naging House Deputy Speaker at kasalukuyang vice-chairperson ng House Appropriations Committee, ang pagkakaroon isang malaman na resumé sa pag-a-apply sa trabaho at ang kanyang 32 years ng legislative at public service ay patunay ng kanyang sinseridad at karapat-dapat na maluklok sa nasabing posisyon.

“A long resume of legislative work – 32 years. If you want a resume, that’s my resume. Compared to others, that’s a story like no other,” pahayag pa ni Martinez.

Bago ang kanyang tatlong taong termino bilang Valenzuela City congressman na nagsimula noong 2022, siya ay unang nanungkulan bilang Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad sa Brgy. Marulas, mula 1992 hanggang 1996; na iginiit niya na isang legislative position.

Mula naman 1997 hanggang sa kasalukuyan, si Rep. Martinez ay Nahalal sa iba’t-ibang legislative positions kabilang ang barangay kagawad (1997-2001), Valenzuela City 2nd District Councilor (2001-2007), Valenzuela City Vice Mayor (2007-2016), at kalaunan ay pagiging kongresista mula noong 2016, kung saan siya ay naitalaga bilang Deputy Speaker ng House of Representatives mula 2020 hanggang 2022.

Si Martinez ay namuno rin sa House Committee on Youth and Sports at bilang kasalukuyang vice-chair ng Appropriations committee; siya ang nagdepensa sa proposed budget for fiscal year 2025 ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang plenary deliberations kamakailan.

Batid ni Martinez na ang sasalihang halalan ay mayroong mga sikat na aspiranteng o prominente ang pangalan, at siya bilang hindi gaanong kilalang public servant ay sasandig sa kanyang solid credentials.

“Mahirap magpakilala sa buong Pilipinas with 70 million registered voters… (However) I would like to make it clear; I am a serious candidate running for the Senate of the Republic of the Philippines,” ani Martinez.

“It is a crowded race I know… Sikat, hindi ako sikat, but then I have the resume. Iyon lang ang maipagmamalaki ko sa inyo. You compare my resume to other candidates; they don’t have the same resume as I have. Thirty-two years of legislative work that started 1992 and will end in 2025 as a three-term congressman,” mariing sabi ni Martinez.

Bukod dito, tiwala ang veteran lawmaker na hawak niya ang buong suporta ng mga mamamayan ng Valenzuela City, mga barangay at SK officials, gayundin ang councilors at vice mayors sa buong bansa at ang lahat ng mga kapwa niya kongresista.

“What I have now is the entire city of Valenzuela, that I will always be proud of. What I have now, hopefully, all SK kagawads of the 42,000 barangays as they could say that there is a senator they could represent… si Eric SK kagawad ‘yan, si Eric barangay kagawad ‘yan, just imagine the number of them. Si Eric city councilor ‘yan… you have all the city councilors that could relate to me, all the vice mayors who could relate to me and of course all the 300 congressmen my comrade in lawmaking hopefully will back me up in this endeavor,” ayon pa kay Martinez.

Sinabi rin ng senatorial aspirant ang pagkakaroon niya ng ‘full support’ mula sa Gatchalian’s, ang matatag na political family sa kanilang lungsod na kinabibilangan nina incumbent Senator Win Gatchalian, former mayor at congressman, na ngayo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

“We have a good relationship in the city of Valenzuela with the Gatchalian’s, it is better we keep united. We have been together in the last five elections, definitely I have their backing,” sambit ni Martinez.

Si Rep. Martinez ay naipamalas ang kahusayan sa malaking ambag niya sa larangan ng sports sa pamamagitan ng pagpapatayo ng House of Kobe sa Valenzuela City kasama ang iba pang A-grade sports facilities, na nagbigay-daan para maituring ang lungsod bilang “Basketball Capital” of the Philippines.

Bilang mambabatas, masigasig din niyang isinulong ang kanyang mga inisyatiba sa Kamara kabilang ang para sa sektor ng public health care at climate resiliency, kung saan siya ang principal author ng Republic Act No. 11327, para sa expansion ng Valenzuela Medical Center’s, na target niyang maging isang world-class hospital at pagpapabuti ng iba pang healthcare services.

Kamakailan, pinatunayan din ni Rep. Martinez ang pagiging forward-thinking method sa policy-making sa kanyang pagrekomenda na bumuo ng comprehensive government protocol sa panahon ng tag-init bukod, gaya sa panuntunan ipinatutupad sa panahon ng tag-ulan upang maibsan ang negatibong epekto nito sa socioeconomic at bilang siyang new normal sa nararanasang global warming. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here